15 URI NG KAIBIGAN NA MAKIKILALA MO SA INUMAN
By: Antonette Sarte
Based on extensive years ng pag iinom, eto ang mga pinaka common na tao makakasalamuha niyo sa inuman niyo halos gabi gabe. Sana ma-enjoy niyo. :D
The Silencer
Eto ung tropa mong tahimik lage sa inuman o lakad, nkayuko nagtetext, nanunuod ng youtube o naglalaro ng COC. Magsasalita pag kinausap, tatawa pag may nakkatawa, tatagay pag sa kanya na, pero yuyuko na ulet pagtapos ng lahat ng ito. Hindi man sya pala salita, pero pag nagsimula na kayo mag usap, at “in the zone” na ang lolo mo, dire diretso na gagalaw ang bibig nya at dun mo marerealize na ang kailangan nya lang pala ay isang kaibigan.
2. The Sleepy Hollow
Eto ung laging late naupo sa pwesto dahil kagigising lang, at pag upo nya e inaantok nanaman. Anak ng. Hindi sya gaano nakikiride sa mga trip nyo, dahil masaya na syang makinig at makitawa sa isang sulok hanggang sa dahan dahan na syang maglakbay sa panaginip niya.
3. The VIPs
Eto ung mga nuknukan ng arte kung yayain, ang daming requirements. Ang daming dokumentong hinihinge, “Sino sinong pupunta”, “Hanggang anong oras”, “Kelangan sa malapit lang”. At kung ma- meet mo man lahat ng hinihingi neto, ay tyak late parin siya darating, dahil sisiguraduhin nyang nkalatag na lahat, nkapuwesto na lahat ng wala na siyang dapat asikasuhin, at kung nagdatingan na ang mga kapwa niya VIP, dahil boring nga naman makipag inuman sa mga butaw.
4. The Chosen One.
Eto ung mga taong nakakangaga ng buong puso nung mag sabog ang Diyos ng kasipagan. Sila kadalasan ay nabibilang sa mga unang nadating para magluto ng pulutan, bumile sa tindahan, at mag timpla ng alak. Sila rin kadalasan yung mga huling nauwi, para magligpit at maglinis ng ininuman. Bihira ang mga ganito, at pag nakahanap ka ng mga katulad nila e tropahin mo na for life.
5. The Agogo Dancer
Eto ung nasa gate palang e naghuhubad na ng t-shirt habang nasayaw Kolboy Style. Kadalasan, galing na siya sa iba pang inuman, at dahil kayo ang mga bespren niya, kayo dapat ang makasaksi ng tunay niyang kulay at kayo dapat ang mag hatid sa kanya sa huling hantungan (banyo, sofa, sala, sahig). Masaya kasama ang mga taong ito, dahil game na game sila. Kadalasan ay uunang namamatay sa inuman kakasayaw.
6. The Hadhad
Eto ung mga tropa mong pag nalalasing e nangangati ang buong katawan, at nakakalimutan ang buong pagkatao niya. Nakakalimutan niya kung sino ang mga katabi niya at kung sino ang mga kasama niya basta pag nangati, e tyak siguradong magpapakamot. Kadalasan kilala na naten sila, pero may mga pagkakataon na biglang umuusbong ang hadhad skills ng isa mong kaibigan, pag nasobrahan sa alak.
7. The Dramarama sa Hapon
Eto ung kadalasan nagyaya ng inom dahil may problema, pag upo sa lamesa ay nakatulala o may ka heart to heart na isang tropa ng ilang oras, pagkatapos ay biglang iiyak at makukuha na ang atensyon ng lahat ng nag iinom, at ang problema niya na ang magiging topic para sa buong gabing iyon. Kadalasan, nauuna malasing ang mga ito dahil sa pagpipilit lunuken ang buong bote ng Empi o sa pag angkin sa shot ng iba. Kadalasan nabagal ang ikot ng alak dahil hindi na naalis sa kanyan ang shotglass.
8. The Angry Bird
Eto ung tumataas ang presyon pag nakakainom ng alak, nagdidilim ang kanyang paningin at nagpapantig ang kanyang tenga. Aktibo ito sa mga diskusyon at pag siya ay natatalo na ay maghahamon, sisigaw o mag wo-walk out. Kadalasan nabalik din sila pag humupa na ang moment at mag so-sorry, with matching iyak pa. Masaya sila panuorin at kadalasan ay hindi na pinapatulan pag nasanay na.
9. The Sponsorship
Eto ung mga taong nanganganak ng pera. Kadalasan ay niyayaya siya sa inom dahil galante at di mahirap singilin, pag natyempuhan mo pang good vibes, e tyak makakatikim ka ng libreng alak at chichirya sa gabing iyon. Maraming tropa ang mga ito pero bilang lang ang totoo, alam na e.
10. The MMK life story
Eto ung mga taong medyo gipit sa buhay, at hindi pinagpala ng pang ambag sa inuman pero kadalasan ay sinasama dahil pag tropa tropa. Madalas ay nililibre ito ng “SPONSOR” (read no. 9) pero minsan ay namimihasa ang mga MMK, dahil kahit meron na silang pera ay papanindigan pa rin nila ang saklap ng buhay at ipaglalaban ang 20PHP na ambag na “ipapamasahe” pa daw nila pauwe.
11. The Buffet 101
Eto ung mga laging kapos sa kanin mong tropa, na pag dating palang sa inuman e nakatitig agad sa lamesa. Minsan si CR daw sila muna, pero ang diretso pala ay sa kusina o rep para silipin kung ano mang pulutan ang meron para sa gabing iyon. Mahirap maglapag ng pagkain sa lamesa dahil nag sisilbing “War Zone” ito pagkalapag na pagkalapag mo ng plato. Kadalasan ay madaldal ang mga ito dahil paraan nila yan para ma-divert ang antensyon mo sa pulutan, madalas ay hawak nila ang tinidor habang nagsasalita.
12. The Others
Eto ung mga tropa mong may sariling tropa pag nasa inuman. Sila lang kinakausap niya buong gabi at sila lang pinapansin niya. Kadalasan ay maasar ka sa kanila, pero kadalasan ay may topak lang sila. Hindi naman sila laging ganito, pero pag sinumpong ay talagang nakakairita, kadalasan nauuwi sa diskusyon ang inom kapag may mga “Others”.
13. The Balikbayan
Eto ung mga minsan lang magpunta, minsan lang sumulpot kahit nasa kabilang kanto lang ang bahay niya. “School”, “busy”, “trabaho”, “Lovelife” kadalasan ang maririnig mo sa kanya pag inaya. Madalas mo lang sila makikita kapag may bday, kasal, binyag, graduation tulad ng iba mong kamag anak na asa ibang bansa. Pero pag simpleng salu-salo at inuman lamang ay malabo mong masinagan ang anino nila.
14. The Ninja Turtle
Eto ung mga ci-CR lang daw, may kukunen sa kotse, mag wa-wifi lang, o bibili ng yosi. Yun pala umuwi na. Madalas to pag patapos na ang inuman, hindi mo sila maasahang magligpit o magwalis manlang dahil asa kanto na pala nag aabang ng tricycle. Kadalasan magtetext ito kinabukasan at hihingi ng pasensya sa bigla niyang pagkawala, kesyo tinawagan ni misis o sinigawan ng nanay kaya DAW umuwi.
15. The Perfect Attendance
Eto ung mga, ubod ng dali yayain, hindi mahirap kausap at kadalasan wala ng tanong tanong pupunta nalang. Tumutulong sila mag ayos at maglinis at nag aambag ng tama. Aktibo sila sa grupo at halos walang nami-miss na lakad. Endangered species na ang mga ito kaya tulad ng mga “Chosen Ones”, e sila ay ating alagaan at paramihin pa.