Thursday, May 28, 2015

The Burot Experience

Recently, underrated, quaint and quiet beaches have been the new craze to all sorts of travelers out there. Kumbaga "cool kids" ka pag nakapunta ka sa medyo di kilalang beach. Feeling pinoy explorer datingan pag nagpost sa FB at Instagram. Kaya naman syempre hindi papahule ang iba kong tropang cool kids forlayf. Haha.

Just last week, one of my friend invited us to go with him sa Burot Beach, Calatagan. It is an underdeveloped beach  owned by SM Holdings (based on what I've read, just google for verification) and isa to sa mga patok sa mga camping boys or dun sa mga tipid meals ang gusto pag nag outing.  


So we set out for the 3hr drive from Las PiƱas to Calatagan, Batangas. We readily suggest you do your last minute grocery sa Palengke ng Calatagan bago tumuloy dun sa beach kase tindahan lang ang meron don, offering basic necessities pero walang bilihan ng mga karne. 

Beautiful trees along Calatagan road. 

Once you reached the gate of the property, sisinglin kayo ng guard ng 10php/pax as pre-entrance fee (hindi pa po ito ang tunay na entrance). 

Rules and regulations and a free trash bag upon entering the gate. 

The place has no electricity, no accommodations, may ilang open kubo at floating raft para sa mga yamanin, pero other than that, you really have to pitch a tent for your own accommodation. Kung wala kayong tent, meron sila pinaparentahan starting from 300php  pero I believe ung 300php na tent nila is only good for 2pax, pangisahan lang kung medyo lusugin. Haha. 

They have an entrance fee of 130php/pax and 30php fee for each of  the tent you brought for yourselves. I wasn't expecting much knowing na camping nga to and walang kuryente, but with that entrance fee siguro manlang karapatan ng mga customers magkaron ng disenteng CR. For the whole place they only have like 6 CRs. 2 sa boys and 4 sa girls. Hindi ako maarte sa CR, pero ung CR nila during that time e beastmode haha. Sayang d ko napiktyuran, but I can clearly describe it kase di talaga malilimutan. Hollowblocks lang ang pader, semento ang sahig (which is okay lang), indiro lang ang nandon, no flush, may isang balde at ginupit na 1.5 para sa tabo. Wala rin ilaw syempre (pero okay paren koboy naman kami). Nga lang, nasampolan ako pag pasok ko nung kadarating lang namin, (excuse for the words) pag bukas ng pinto e may suka sa sahig tapos me taeng nag a-outing sa inidiro. Hahaha urong lahat e. Isa pa wla manlang kahit plastik na tapunan ng basura, kaya ung mga gamit na pantyliner at napkin e kala mo ninja kung mkasingit sa pader.  

Ayun, isa lang din ang lababo (hugasan ng plato, karne, etc) for the whole resort. Since maaga pa, nakakuha kami magandang puwesto at nai-park namin ang mga sasakyan just behind our tents.
We rented a table w/chair for 300php and we talked to one of the kuya to arrange a bonfire later that night for 200php

Our tents with our emo friend. 

Our rented table.
Crowded Saturday afternoon. 

I really won't recommend going here on weekends, kase when we arrived umaga palang medyo ayos lang number ng tao, pag dating ng hapon, lahat ng klaseng reunion, team building at field trip makikita mo. Sobrang siksikan. And to think na anim lang ang CR, ediwow.

The sand here isn't really white and fine, in fact mabato, but still hindi siya itim, creamy white siya which is always better. About sa water, hindi rin siya ganun kalinaw. Hindi mo makikita paa mo sa ilalim lalo na't puro seagrass o "buhok" (tawag ko sa kanila) ang lapag ng dagat.

Sunset view.
Ang mumunti naming bonfire. 

Nag island hopping pa pala kami which is 130php/pax pero wala naman kami pinuntahang isla. Dinala lang kami sa gitna ng dagat mga 2x haha. Okay na rin kase walang "buhok" don sa gitna at may makikita kang starfish.  

Anyways, 7pm palang e wala na kaming  magawa kaya isa isa na naming binuksan  mga baon naming kwatro kantos. Ayun, alas-jis palang tahimik na ang kapaligiran. Haha. We readily packed up as soon as  we were awoken by the early drunk-risers in the area. Ayaw na namen abutan ng purgatoryong init nanaman and wala na kaming kahit anong supplies.  

All in all, I don't think I'd be going back anytime soon dito, maybe if medyo na develop na siya or nagkaron na ng makataong CR hehe. But for the people who really want to check this place out, please, just please skip the weekend. 

Burot- twilight.

No comments:

Post a Comment