Wednesday, June 24, 2015

Tarapumwesto- Hidden Gem of Noveleta - Foodie Alert!

Well, as what I've said sa mga previous post, suyang suya nkme sa muka ng magtotropang c jalibi,mkdo at kfc isama mo pa mga bataan nilang tapsihan at gotohan. That's why sometimes or most of the times rather, kelangan lumabas ng comfort zones and go out of our way/area makahanap lang ng bagong makakainan. 

Being a resident of Imus Cavite, malayo na saken ang kalapit baryo, considering buong taon ang skedyul ng road widening dito sa cavite. Napakahirap lumuwas sa kabilang subdivision. Haha. But I saw this diner sa post ng isa kong Fb friend, and I was really intrigued and excited. Kawali ang serving plates nila, ang kyut. I know un lang ang kelangan ko makita para magdesisyong dayuhen sila. Medyo malapit lang naman, sa Noveleta. Haha. The place is called Tarapumwesto, not your ordinary round plated resto. 

I readily dragged my BF and hopped into the car para sa isa nnamang byahe ni drew/poptalk night. We took the beastmode route which is aguinaldo-habay-binakayan, hindi ko alam kung baket. As expected nuknukan ng trapik and it took us almost less an hour to get to the place. Muntik pa kme lumagpas because hindi sya as in nasa tabe ng hiway, asa medyo eskinita. Kaya magsama kayo ng matang lawin kung medyo magaling kayo sa direksyon para surebol. Closest landmark is the Brgy Hall of San Rafael 3, Noveleta. Pag nakita mo yan, baba na tas tawid. Makikita mo na ang maliwanag na signage. 
Outside of Tarapumwesto

Don't worry kung marameng tao, may isang kilometrong bench sila sa labas  para sa mga waiting. 

We went on a weekday kaya mga 5 mins lang kami nag antay. Kinuha naren ng waitress ung order namen habang asa labas. Hindi ko nakuhanan ang menu para ang price range is 70-120php lang. Richkid ka na dun sa 120php.  

We were then seated, and just had to wait for some 5 minutes for our order.  I got Kawalisilog (70php): 
Kawalisilog with pepino ang kamatis 

My bf got porksilog (70php): 
Porkchop silog with pepino and kamatis of course

And he also ordered their House Iced Tea for 25php 
Mason jar na pinaglagyan ng Iced Tea, naubos agad e hehe 

The ambiance is good, all the utensils are cute, ung extra rice nila nkalagay sa maliliit na kalderong cup size me takip at handle pa! <3 Too bad wala saming nangahas mag extra rice d ko tuloy na piktyuran. 

The food tastes alright, nothing too special but its okay. I think ung experience and ung ambiance ang binabayaran dito. And talk about the price, really not that bad na. 

When we asked for the bill, it came with a free candy for the guy and free lollipop for girls! (Free candy para sa mga nagyoyosi, para saken) solb solb na db. 
Our Bill with free iCool and lollipop

And syempre, as always, to put the cherry on top, may free wifi. Ayun, tapos na ulet ang usapan. 

If you're looking for a unique dining experience here in Cavite, you might wanna try this place out. Definitely worth the trip!

Thursday, May 28, 2015

The Burot Experience

Recently, underrated, quaint and quiet beaches have been the new craze to all sorts of travelers out there. Kumbaga "cool kids" ka pag nakapunta ka sa medyo di kilalang beach. Feeling pinoy explorer datingan pag nagpost sa FB at Instagram. Kaya naman syempre hindi papahule ang iba kong tropang cool kids forlayf. Haha.

Just last week, one of my friend invited us to go with him sa Burot Beach, Calatagan. It is an underdeveloped beach  owned by SM Holdings (based on what I've read, just google for verification) and isa to sa mga patok sa mga camping boys or dun sa mga tipid meals ang gusto pag nag outing.  


So we set out for the 3hr drive from Las Piñas to Calatagan, Batangas. We readily suggest you do your last minute grocery sa Palengke ng Calatagan bago tumuloy dun sa beach kase tindahan lang ang meron don, offering basic necessities pero walang bilihan ng mga karne. 

Beautiful trees along Calatagan road. 

Once you reached the gate of the property, sisinglin kayo ng guard ng 10php/pax as pre-entrance fee (hindi pa po ito ang tunay na entrance). 

Rules and regulations and a free trash bag upon entering the gate. 

The place has no electricity, no accommodations, may ilang open kubo at floating raft para sa mga yamanin, pero other than that, you really have to pitch a tent for your own accommodation. Kung wala kayong tent, meron sila pinaparentahan starting from 300php  pero I believe ung 300php na tent nila is only good for 2pax, pangisahan lang kung medyo lusugin. Haha. 

They have an entrance fee of 130php/pax and 30php fee for each of  the tent you brought for yourselves. I wasn't expecting much knowing na camping nga to and walang kuryente, but with that entrance fee siguro manlang karapatan ng mga customers magkaron ng disenteng CR. For the whole place they only have like 6 CRs. 2 sa boys and 4 sa girls. Hindi ako maarte sa CR, pero ung CR nila during that time e beastmode haha. Sayang d ko napiktyuran, but I can clearly describe it kase di talaga malilimutan. Hollowblocks lang ang pader, semento ang sahig (which is okay lang), indiro lang ang nandon, no flush, may isang balde at ginupit na 1.5 para sa tabo. Wala rin ilaw syempre (pero okay paren koboy naman kami). Nga lang, nasampolan ako pag pasok ko nung kadarating lang namin, (excuse for the words) pag bukas ng pinto e may suka sa sahig tapos me taeng nag a-outing sa inidiro. Hahaha urong lahat e. Isa pa wla manlang kahit plastik na tapunan ng basura, kaya ung mga gamit na pantyliner at napkin e kala mo ninja kung mkasingit sa pader.  

Ayun, isa lang din ang lababo (hugasan ng plato, karne, etc) for the whole resort. Since maaga pa, nakakuha kami magandang puwesto at nai-park namin ang mga sasakyan just behind our tents.
We rented a table w/chair for 300php and we talked to one of the kuya to arrange a bonfire later that night for 200php

Our tents with our emo friend. 

Our rented table.
Crowded Saturday afternoon. 

I really won't recommend going here on weekends, kase when we arrived umaga palang medyo ayos lang number ng tao, pag dating ng hapon, lahat ng klaseng reunion, team building at field trip makikita mo. Sobrang siksikan. And to think na anim lang ang CR, ediwow.

The sand here isn't really white and fine, in fact mabato, but still hindi siya itim, creamy white siya which is always better. About sa water, hindi rin siya ganun kalinaw. Hindi mo makikita paa mo sa ilalim lalo na't puro seagrass o "buhok" (tawag ko sa kanila) ang lapag ng dagat.

Sunset view.
Ang mumunti naming bonfire. 

Nag island hopping pa pala kami which is 130php/pax pero wala naman kami pinuntahang isla. Dinala lang kami sa gitna ng dagat mga 2x haha. Okay na rin kase walang "buhok" don sa gitna at may makikita kang starfish.  

Anyways, 7pm palang e wala na kaming  magawa kaya isa isa na naming binuksan  mga baon naming kwatro kantos. Ayun, alas-jis palang tahimik na ang kapaligiran. Haha. We readily packed up as soon as  we were awoken by the early drunk-risers in the area. Ayaw na namen abutan ng purgatoryong init nanaman and wala na kaming kahit anong supplies.  

All in all, I don't think I'd be going back anytime soon dito, maybe if medyo na develop na siya or nagkaron na ng makataong CR hehe. But for the people who really want to check this place out, please, just please skip the weekend. 

Burot- twilight.

Thursday, May 21, 2015

Cliff Diving Paradise in Boracay - Ariel's Point

Boracay is widely known for its pristine beaches, fine white sand and the never ending nightlife. Well that's true, yet one can only dance so much and eventually you'd be looking for something new to kill your well-anticipated vacation with. Fortunately, Boracay offers an activity that will lure the hell out of all adventure seekers and adrenaline junkies out there, Cliff diving.


Wednesday, May 6, 2015

Sebo Pacific - A first in Bacoor

I've always been a fan of quaint new spaces, especially when it comes to food. Unfortunately, my location doesn't permit such perks. If you're in cavite, tyak alam mo sinasabe ko. Haha.

Wala kaming mga Zarks (coming soon palang) or the famous Aguirre st. in BF Parañaque and Maginhawa st. In QC. Ang meron kame e hile hilera ng Jollibee, Mcdo at KFC. Samahan mo pa ng kanto kantong tapsihan at bilihan ng goto. Yun ang meron kme. 

So everytime na may bagong kainan dito e asahan mo nang dudumugen at dadayuhen kahit san pa yan. 

Thursday, April 16, 2015

BOLINAO- Hidden Paradise of the North (Except on holidays)


Last April 2, 2015 (Maundy Thursday), my friends and I decided to act like normal people and agreed to swim out of town since all our folks decided to stay in and become holy. Not that we are against it, or not that we don't practice it, it's just about taking the opportunity to grab all available friends to go out and about with them not having any damn good reason to say no.

So we opted to go to Patar, Bolinao since it has one of the cleanest and whitiest sand beach I have ever been to, and we thought that the butt-numbing distance from the metro would be enough to keep all the usual holiday-crowd away, or so we thought. We left home (Las Piñas) at about 11am, which is a real bad idea since travel time will take about 8-hours.

Friday, March 20, 2015

Magic Island, Boracay - > Cliff dive like a a pro (way cheaper than the other more famous spot)



TEAM BREEZY.

Entrance to Magic Island, Boracay is Php 150/pax but you have to rent a boat to get there, we haggled pretty good so we got the boat for only Php 2000 5/pax, but regular rates for foreign visitors is Php3000. The rent is inclusive for a 3 hr Island Hopping tour, but we consumed most of our time pushing ourselves to that 30 ft. cliff. It was a must-try, especially for first time visitors. Worth it!

Thursday, March 19, 2015

15 URI NG KAIBIGAN NA MAKIKILALA MO SA INUMAN

15 URI NG KAIBIGAN NA MAKIKILALA MO SA INUMAN
By: Antonette Sarte

Based on extensive years ng pag iinom, eto ang mga pinaka common na tao makakasalamuha niyo sa inuman niyo halos gabi gabe. Sana ma-enjoy niyo. :D




  1. The Silencer
Eto ung tropa mong tahimik lage sa inuman o lakad,  nkayuko nagtetext, nanunuod ng youtube o naglalaro ng COC. Magsasalita pag kinausap, tatawa pag may nakkatawa, tatagay pag sa kanya na, pero yuyuko na ulet pagtapos ng lahat ng ito. Hindi man sya pala salita, pero pag nagsimula na kayo mag usap, at “in the zone” na ang lolo mo, dire diretso na gagalaw ang bibig nya at dun mo marerealize na ang kailangan nya lang pala ay isang kaibigan.


     2. The Sleepy Hollow


Eto ung laging late naupo sa pwesto dahil kagigising lang, at pag upo nya e inaantok nanaman. Anak ng. Hindi sya gaano nakikiride sa mga trip nyo, dahil masaya na syang makinig at makitawa sa isang sulok hanggang sa dahan dahan na syang maglakbay sa panaginip niya.

     3. The VIPs


Eto ung mga nuknukan ng arte kung yayain, ang daming requirements. Ang daming dokumentong hinihinge, “Sino sinong pupunta”, “Hanggang anong oras”, “Kelangan sa malapit lang”. At kung ma- meet mo man lahat ng hinihingi neto, ay tyak late parin siya darating, dahil sisiguraduhin nyang nkalatag na lahat, nkapuwesto na lahat ng wala na siyang dapat asikasuhin, at kung nagdatingan na ang mga kapwa niya VIP, dahil boring nga naman makipag inuman sa mga butaw.


     4. The Chosen One.


Eto ung mga taong nakakangaga ng buong puso nung mag sabog ang Diyos ng kasipagan. Sila kadalasan ay nabibilang sa mga unang nadating para magluto ng pulutan, bumile sa tindahan, at mag timpla ng alak. Sila rin kadalasan yung mga huling nauwi, para magligpit at maglinis ng ininuman. Bihira ang mga ganito, at pag nakahanap ka ng mga katulad nila e tropahin mo na for life.


    5. The Agogo Dancer


Eto ung nasa gate palang e naghuhubad na ng t-shirt habang nasayaw Kolboy Style. Kadalasan, galing na siya sa iba pang inuman, at dahil kayo ang mga bespren niya, kayo dapat ang makasaksi ng tunay niyang kulay at kayo dapat ang mag hatid sa kanya sa huling hantungan (banyo, sofa, sala, sahig). Masaya kasama ang mga taong ito, dahil game na game sila. Kadalasan ay uunang namamatay sa inuman kakasayaw.


   6. The Hadhad


Eto ung mga tropa mong pag nalalasing e nangangati ang buong katawan, at nakakalimutan ang buong pagkatao niya. Nakakalimutan niya kung sino ang mga katabi niya at kung sino ang mga kasama niya basta pag nangati, e tyak siguradong magpapakamot. Kadalasan kilala na naten sila, pero may mga pagkakataon na biglang umuusbong ang hadhad skills ng isa mong kaibigan, pag nasobrahan sa alak.

  7. The Dramarama sa Hapon


Eto ung kadalasan nagyaya ng inom dahil may problema, pag upo sa lamesa ay nakatulala o may ka heart to heart na isang tropa ng ilang oras, pagkatapos ay biglang iiyak at makukuha na ang atensyon ng lahat ng nag iinom, at ang problema niya na ang magiging topic para sa buong gabing iyon. Kadalasan, nauuna malasing ang mga ito dahil sa pagpipilit lunuken ang buong bote ng Empi o sa pag angkin sa shot ng iba. Kadalasan nabagal ang ikot ng alak dahil hindi na naalis sa kanyan ang shotglass.


8. The Angry Bird


Eto ung tumataas ang presyon pag nakakainom ng alak, nagdidilim ang kanyang paningin at nagpapantig ang kanyang tenga. Aktibo ito sa mga diskusyon at pag siya ay natatalo na ay maghahamon, sisigaw o mag wo-walk out. Kadalasan nabalik din sila pag humupa na ang moment at mag so-sorry, with matching iyak pa. Masaya sila panuorin at kadalasan ay hindi na pinapatulan pag nasanay na.

9. The Sponsorship


Eto ung mga taong nanganganak ng pera. Kadalasan ay niyayaya siya sa inom dahil galante at di mahirap singilin, pag natyempuhan mo pang good vibes, e tyak makakatikim ka ng libreng alak at chichirya sa gabing iyon. Maraming tropa ang mga ito pero bilang lang ang totoo, alam na e.  


10. The MMK life story


Eto ung mga taong medyo gipit sa buhay, at hindi pinagpala ng pang ambag sa inuman pero kadalasan ay sinasama dahil pag tropa tropa. Madalas ay nililibre ito ng “SPONSOR” (read no. 9) pero minsan ay namimihasa ang mga MMK, dahil kahit meron na silang pera ay papanindigan pa rin nila ang saklap ng buhay at ipaglalaban ang 20PHP na ambag na “ipapamasahe” pa daw nila pauwe.


11. The Buffet 101


Eto ung mga laging kapos sa kanin mong tropa, na pag dating palang sa inuman e nakatitig agad sa lamesa. Minsan si CR daw sila muna, pero ang diretso pala ay sa kusina o rep para silipin kung ano mang pulutan ang meron para sa gabing iyon. Mahirap maglapag ng pagkain sa lamesa dahil nag sisilbing “War Zone”  ito pagkalapag na pagkalapag mo ng plato. Kadalasan ay madaldal ang mga ito dahil paraan nila yan para ma-divert ang antensyon mo sa pulutan, madalas ay hawak nila ang tinidor habang nagsasalita.

12. The Others


Eto ung mga tropa mong may sariling tropa pag nasa inuman. Sila lang kinakausap niya buong gabi at sila lang pinapansin niya. Kadalasan ay maasar ka sa kanila, pero kadalasan ay may topak lang sila. Hindi naman sila laging ganito, pero pag sinumpong ay talagang nakakairita, kadalasan nauuwi sa diskusyon ang inom kapag may mga “Others”.


13. The Balikbayan


Eto ung mga minsan lang magpunta, minsan lang sumulpot kahit nasa kabilang kanto lang ang bahay niya. “School”, “busy”, “trabaho”, “Lovelife” kadalasan ang maririnig mo sa kanya pag inaya. Madalas mo lang sila makikita kapag may bday, kasal, binyag, graduation tulad ng iba mong kamag anak na asa ibang bansa. Pero pag simpleng salu-salo at inuman lamang ay malabo mong masinagan ang anino nila.


14. The Ninja Turtle


Eto ung mga ci-CR lang daw, may kukunen sa kotse, mag wa-wifi lang, o bibili ng yosi. Yun pala umuwi na. Madalas to pag patapos na ang inuman, hindi mo sila maasahang magligpit o magwalis manlang dahil asa kanto na pala nag aabang ng tricycle. Kadalasan magtetext ito kinabukasan at hihingi ng pasensya sa bigla niyang pagkawala, kesyo tinawagan ni misis o sinigawan ng nanay kaya DAW umuwi.


15. The Perfect Attendance


Eto ung mga, ubod ng dali yayain, hindi mahirap kausap at kadalasan wala ng tanong tanong pupunta nalang. Tumutulong sila mag ayos at maglinis at nag aambag ng tama. Aktibo sila sa grupo at halos walang nami-miss na lakad. Endangered species na ang mga ito kaya tulad ng mga “Chosen Ones”, e sila ay ating alagaan at paramihin pa.