Thursday, March 13, 2014

Afternoons.


Agos

Nadala ka ba ng agos
Kung san mo gusto pumunta
O sinabay ka lang ng alon
Wala ka ng nagawa.

Nadala ka ba ng agos
Sa lugar na masaya
O nabulag ka lang ng alon
Masaya ba talaga?

Nadala ka ba ng agos 
Sa buhay na iyong inaasam
O nalunod ka lang sa ilusyong
Ito nga ang iyong inasam. 

Nadala ka ba ng agos
Hanggang kailan ka nya dadalin
Kailan ka lalaban sa alon
Sabihin mo ngayon sa salamin. 

No comments:

Post a Comment