Sunday, May 7, 2017

LaBoracay or LaBoraNYAY? DAY 1 #TAGALIZED

Well, so eto na ang hubad na katotohanan, sa lahat ng nagtatanong kung mga anak ba kami ng Diyos at taon taon nalang nandito kami sa Boracay lalo na pag Laboracay haha, pwes surprise, oo. LMAO Anak ng Diyos ng diskarte at pakikipagtawaran. Hahaha.

Hindi po kami mayaman, sa katanuyan ay nagbabarko lang kami papuntang Boracay lalo na pag LaBO, dahil namamayagpag ang presyo ng mga airlines. Ngayon, ikukwento ko step by step kung pano kami sumosocial climb pa Bora tuwing Labor day para maging inspirasyon sa mga kapwa namin mga pusang gala. :D

NOTE: Wag gagayahin kung a.) maarte b.) mainipin c.) maraming dada at maraming pera (mag eroplano ka nalang), pero note ulit, gagastos ka pa din ng malaki all in all pero hindi kasing laki pag sinama mo airfare sa expenses.

So here it goes:

Usually mga April 28 kami naalis ng Manila dahil ang start ng bayuhan galore sa LaBoracay from April 29-May 1. Pero kung marami ka namang baong biyaya kahit mga April 27 palang e gumora na kayo. This year (2017), tumapat sa holiday ang April 28, 2017 dahil sa ASEAN, kaya long weekend ang mga tita mo. Maganda para sa mga hindi nanaman lilipad o tatawid ng karagatan, pangit para sa mga katulad namin rarampa sa malayong isla. Haha.


Day 1 (APRIL 28, 2017)

9:00am- Call time, nakakasakyan kami kaya dadaanan namin ang mga OTW (cavite kami lahat)
9:30am- GORA na papunta sa Batangas Port via MCX-SLEX-STAR TOLL (sa slex pa lang traffic na huhu)
1:00pm- Arrive in Batangas Port, secure parking for car for 5 days, hanggang May 2 kami rarampa mga bes (fees below), buy ferry tickets to Calapan, Mindoro, preferably FAST CAT dahil eto ang me pinakaamyos na vessel (for us)


Balyahan sa Batangas Port palang

NOTE: Since hindi kami prepared nanaman, hindi kami nakapg book ahead of time ng FAST CAT, at pag dating namin doon ay fully-booked na at ang next alis pa ay 6PM (aguy), kelangan masunod ang schedule, so bute nalang may aalis ng 1:50pm via Ocean Jet (P250/pax for aircon) . For online reservations sa Fast Cat, please click here.

NOTE 2: Meron din direct Batangas- Caticlan via 2go pero naubusan na kami ng Cabin for 6 kaya nag cutting trip nalang kami pa Caticlan. For more details regarding 2go you can check them here.

Party Party sa Batangas Port
Are you readehhh?
2:00pm- Ferry departed to Calapan Mindoro
3:30pm-  Arrival at Calapan, Mindoro. Now pag dating niyo dito sasakay kayo ng van. And please take note, only the van na papuntang BULALACAO ang sasakyan niyo, kasi nandoon ang FAST CAT ferry bound to Caticlan, which leaves every 10pm and 3am sa gabi.

Dahil 4-5 hours ang biyahe, at minsan malas ka pa sa driver mo na kala mo nangangampanya kung tigilan lahat ng kapitbahay niya, mga around 8pm ka na makakarating sa Bulalacao. Which for us is very risky lalo na super holiday, iniisp namin na baka fully booked na rin ang 10pm na alis ng Fast Cat.

Magkabilang dulo ng mundo mga beshy.


8:30pm- ANG SAYA DIBA, ngayon lang kami nakarating ng BULALACAO. Mananalo nang Congressman yung driver ng van namin sa dami ng kinampanyahan niya.

Fortunately, we still managed to get us tickets for the 10pm departure for Caticlan, although na over-booked na ata sila dahil sa sahig nalang kami sa labas nakaupo at nag royale rumble pa mga tao dahil me hindi pinasakay na Bus.

Para sa Ekonomiya

11:00pm- nakaalis na din ang barko, so from Bulalacao, it's a 3-hr sail to Caticlan, then from there sasakay kayo ulit ng maliit na bangka that will bring you to Boracay island mismo, tapos sasakay kayo ulit ng Tricycle to your hotel. O diba Triathlon lang ang peg hahaha.

3:00am- Nakarating din kami sa Hotel namin namely Francis Hotel, nasa kakaibang lugar to ng Station 2, parang executive subdivision ng mga Local doon haha. Okay ang Hotel at bago palang ito kaya wala pa sa social media. Nga lang nasa tabi siya ng mabahong sapa/kanal na kelangan mo talunan tuwing lalabas. 2 minutes walk to the beach. For reservations kindly contact (0907) 185 3421. Room rates starting at P3,400/pax good for 4pax pero nagawa namin tawaran na good for 6pax na yan pero dalawang double bed lang. Higang bente lang hahaha.

NOTES:
P250- Boat from Batangas port to Calapan Mindoro (Ocean Jet- Aircon)
P290- Van from Calapan to Bulalacao (ililipat pa kayo sa ibang van pero wala na kayo babayaran)
P375-  Fast cat from Bulalacao To Caticlan (ECONOMY) pero dahil super holiday pang aliping upo lang sa labas terrace part yan
P100- Terminal Fee Caticlan
P75- Environmental fee Caticlan
P50- Boat ride to Boracay island from Caticlan Jetty Port
P20- Tricycle
P100- Ambag sa Gas papuntang Batangas Port
P50- Ambag sa Toll gate
P167/pax- Ambag sa Parking fo 5 days for 6pax(200 per day)

P1,477pax- NASA BORACAY KA NA ON LABORUHHCAYYY


Pawisan at Lagkitan sa Batangas Port


So after a long, tiring day na halos manapak na kami ng driver at makipagsaksakan sa barko, makakapgpahinga na din. Halos 16hrs na biyahe total from Cavite (Imus) to Boracay. Pero worth it naman ang natipid ng mga tita mo. At hello, LABORACAY kaya ngayon. HAHAHAHA

Stay tuned for DAY 2! :D