Pauwi ka nanaman galing inom. Saya ng buhay di ba? Para kang maskarang naglalakad sa kalsada. Lakad lang ng lakad, wala namang pupuntahan. Lahat ng madaanan napapatawa pero sarileng anino hindi masaya. Ano ba talaga ang kaligayahan? Malalaman mo ba kung ano ito hangga't hindi pa lumilipas sayo? Malalaman mo ba halaga nito hanggat hindi pa nawawala sa mga palad mo? Nakakatawa kase hindi patas ang buhay at kahit pilitin mong kontrolin ang puso't damdamin mo wala kang magagawa pag tadhana ang naglaro sayo.
Magigising ka nalang isang araw na wala na lahat. Iba na ang kulay ng langit, Iba na ang simoy ng hangin. Pero ikaw nandyan parin. Nakakainis kasi baket hindi ka ren nagbago, baket ikaw andon paren kahit lahat nag iba na. Masakit sa mata, sa tenga, sa puso at sa kaluluwa. Hindi mo alam kung panaginip lang pero ng me pamilyar na amoy na dumapo sa ilong mo, agad kang sinuntok ng riyalidad na lahat ng ito'y totoo.
Huli na ang lahat ng magising ka, wala ka ng matatawag na pangalan para sagipin ka. Lahat sila'y umusad na. Nalinlang ka nanaman, akala mo dati ikaw ang nauna, akala mo lahat ng hakbang mo tama. Yun pala nakatalikod ka, takbo ka ng takbo, maling direksyon naman tintatakbo mo. Lahat sila nauna na habang ikaw bumabalik sa umpisa. Ano na gagawin mo ngayon, pano ka ulet magsisimula? Sino na kasabay mo tumakbo, sana ngayon matuto ka ng matuto.